Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Wednesday, June 15, 2011

Litratong Pinoy - Tumba (Fallen)

Mahilig akong kumuha nag litrato ng mga punong kahoy na tumba (fallen trees). "Photo worthy" kasi para sa akin ang mga tumbang kahoy ma pa spring man or summer.Ngunit di ko akalain mas maganda pala ang mga tumbang kahoy sa winter, lalo na pag nasa malapit sa lake.
Na alala ko kaagad ang sabi ni Ralph Waldo Emerson na "Each moment of the year has its own beauty" ng makita ko ang mga tumbang kahoy na eto na punong puno ng yelo. Sa lahat pala na panahon - may ganda ang mga tumbang kahoy.

Wednesday, May 25, 2011

Litratong Pinoy - Liwasan (Park)


Sa gitna ng malaki at maunlad na syudad ng Mississauga, Ontario ay naroon ang Kariya Park. Ang Kariya ay isang Japanese city kung saan ang Mississauga ay nagkaroon ng sister-city relationship. Ang Japanese inspired liwasan na eto ay isang magandang lugar kung gusto mo ng katahimikan sa gitna ng city-living.

Saan-saan kayang liwasan napunta ang mga taga Litratong Pinoy ngayon? Halika, tingan natin.

Wednesday, May 18, 2011

Litratong Pinoy - Alagang Hayop (Pet)


Wala akong alagang hayop - mahirap kasi pag maliit lang ang tinitirahan at mahal din ang pag maintain. Pero mahilig ako sa mga ibon - lalo na ngayong spring. Kaya naman sa panaginip sila na lang mga alaga ko. Kagaya ng. . .

Red Cardinal

Blue jay

Downy Woodpecker

Black Capped Chickadee

Kahit isa lang sa kanila, puede na.

Wednesday, May 11, 2011

Litratong Pinoy - Makina (Machine)

Makinang parang di na ginagamit, ngunit pinagkatuwaan kung piktyuran isang araw. May mga tanong din ako habang ginawa ko siyang model.

Ilang taon kaya siyang ginamit? Puede pa kaya ayusin?
End of the road na kaya sa traktorang eto? Magandang gawing model ang mga makina gaya nito - hindi nag rereklamo.

Happy LP sa lahat!

Wednesday, April 27, 2011

Litratong Pinoy - Kalye (Street)

Isa sa mga gustong-gusto kong gawin ay ang pagkuha ng litrato sa kalye o ng mga kalye. Marami kasing interesting na bagay ang makikita sa mga kalye. Eto ang ilan sa aking mga paborito.


"Refleksyon" (at Asquith Road)


"Kotse" ( at Bloor Street)


"Simba" ( at John Street.)


Lahat ay kuha sa mga magkalapit na kalye ng Toronto, Ontario.

Wednesday, April 6, 2011

Litratong Pinoy - Freestyle


Freestyle daw o, yan ang tema sa linggong eto. Isip-isip, isip-isip.

Hanggang naalala ko ang mga litrato kong eto. Ewan ko lang kung ma imagine ninyo kung ano sila. Galing sa iisang glass paper weight - kinunan ko ng litrato sa iba't-ibang angulo at background at pagkatapos ay medyo pinaglaruan sa Photoscape.
Freestyle daw kasi.

Happy 3rd Anniversary sa Litratong Pinoy! Many happy clicks and exciting challenges to come!

Wednesday, March 23, 2011

Litratong Pinoy - Itim (Black)

Sa pagpasok ng spring, siempre mga ibon ay bumabalik na naman. Mabuti na lang at na tiempohan namin etong mga ibon na itim.

By the way, ang mga ibon na eto ay tinatawag na Red-winged blackbird.

Wednesday, March 16, 2011

Litratong Pinoy - Kulay Rosas (Pink)

Flower Power! or Pink Overload!

Wednesday, March 9, 2011

Litratong Pinoy - Kayumanggi (Brown)

Paumanhin : Kulangin ang aking kukonting Tagalog at di ko kayang isalin ang nasa ibaba.

What is the brown paper bag test?
The brown paper bag test is a test that helped slave masters tell who was fit to work in the house or who was more fit to be a field slave. If your skin was darker then a brown paper bag you were to work in the field, if you were lighter then the bag then you could be a house slave.

In food science this test is used to determine if a substance is fat or not. It is a crude test but it works in a pinch. It is done by rubbing the unknown substance on the brown paper bag. If fat is present the bag will get translucent. If it is water based it just gets wet.

Sana may natunan kayo sa aking lahok ngayon. Happy LP!

Wednesday, March 2, 2011

Litratong Pinoy - Bughaw (Blue)

Sari-saring mga hayop. Iba't-ibang klase ng bughaw.
Different animals. Variations of blue.


Wednesday, February 16, 2011

Litratong Pinoy - Ito (This)

Ito ay mga laruang sasakyan gawa ng papel. Ito ay pinamimigay ng Bake and Shake, (isang restaurant) sa mga bata. Kahit wala kaming dalang bata ay humingi ako. Ito ay cardboard at ikaw pa ang mag tupi para mag mukhang sasakyan.
Sila ay pang aliw habang naghihintay ka sa order mo. Pero ng matapos kaming kumain, dinala ko ang aking mga bagong laruan. Hanggang sa amin - na aaliw pa rin ako sa kanila.

Ito ang mga bagay na kahit walang gamit sa akin - tinatago ko pa rin.

Wednesday, February 9, 2011

Litratong Pinoy : Ala-ala

Bakit ba tayo kumukuha ng litrato? Para tayo may makitang ala-ala sa mga nakaraan, di ba? Ang dami na ring advancement sa mundo ng camera at photography, kaya ang sarap gunitain ang unang camera. Yung nagbigay sa atin ng kay raming ala-ala.

Eto ang aming pinaka unang camera. Binili namin noong 1988 kaya kasing tanda eto ng aming anak. Naging saksi ang camera na eto magmula binyag, birthday, bakasyon, at lahat-lahat na.

Dala ko hanggang Canada, at kung minsan at ginagamit pa namin - just for the fun of it.

Wednesday, February 2, 2011

Litratong Pinoy - Kaarawan (Birthday)


Sa nakaraan kong kaarawan ay sinimulan kong isulat ang aking bucket list. Ang bucket list ay lista ng mga bagay na gusto mong gawin sa hindi mo pa iwan ang buhay na eto. Para na ring life goals, at maaring sakupin ang mga iba’t-ibang aspeto ng buhay, kagaya ng paglalakbay, pananalapi, edukasyon, at iba pa.

Ang pag-gawa ng bucket list ay hindi kailangan sa isang upuan lang. Eto ay pinag-iisipan, sinusulat, rine-review, dinadagdagan, binabawasan. Sa kasalukuyan, may laman na rin ang aking bucket list. Isa nito ay ang pag punta at pag tira sa New York ng mga isa hanggang dalawang linggo. Naka tatlong beses na ring akong nakapunta ng New York , pero palaging 2-3 araw lang. Ang gusto ko ay yung matagal na bisita, maglalakad sa Central Park, pumasok sa mga museum, mag e-enjoy sa New York na hindi magmadali.

Gagawa ka ba ng bucket list sa kaarawan mo?


On my last birthday, I decided to start writing down my bucket list. A bucket list is a list of things you want to do before one "hits the bucket" or leave this world. It can also be called life goals and includes all aspects of life such as financial, travels, education, and others.

To make a bucket list cannot be done in one sitting. It is a continuous activity that needs to be contemplated upon, written somewhere, reviewed, with things added or deleted. My bucket list is getting longer. One of the things I've listed is to spend 1-2 weeks in New York city. I've been in this city for several times but it is always a hurried travel. What I want is a leisurely stroll of Central Park, checking out museums, relaxing in one of the busiest cities of the world.

Are you going to make a bucket list on your next birthday?

Wednesday, January 26, 2011

Litratong Pinoy - Malambot (Soft)

Nang sinabing malambot ang tema sa linggong eto ay pagkain kaagad ang na isip ko. Kagaya ng vanilla ice-cream crepe with chocolate and strawberry sauce.
O kaya, etong chocolate fudge na medyo malambot din.
Pero ang pinakamalambot ay yung puedeng tulugan - cake nga rin lang.
Kainan na!

Wednesday, January 19, 2011

Litratong Pinoy - Malamig (Cold)

Di ko man mapahiwatig sa lahat kung gaano kalamig dito sa amin ngayon, sa mga litratong eto - puede na ring ma imagine.
(I may not be able to describe how cold our place is during winter, but these photos can help).

Nang kinuha namin ang mga litratong eto ang temperatura ay minus 12 degrees Centigrade at pag isama pa ang hangin parang minus 22 degrees Centigrade.
(When we took these photos, it was -12º C and factoring in strong winds, it felt like - 22º C)

Malamig na kung malamig - pero para sa Litratong Pinoy - kinakaya.
(Cold as it may be - but for Litratong Pinoy - I did it)