Saturday, February 13, 2016

2 Poems - AlDub

I have been planning to post my thoughts on this phenomenal love team for a while now - but never got to do it. I still plan to write one specially now that things are heating up between the two. But for now these two poems supposedly written by Alden and Maine will have to do.

ALDEN'S POEM FOR MAINE
Totoo pala ang sinasabi nila
Na ang mga magagandang bagay
Ay darating sa tamang tao
Sa tamang pagkakataon
Walang labis, walang kulang
At makakamtan sa tamang panahon
Tama sila, tinamaan na yata ako
'Di ko akalain na sa unang pagpansin
Na sa una mong pagtingin, ako ay mahuhumaling
Kilig, kilig nga lang ba?
Pero bakit iba ang nadarama
Ng dibdib kong may pagtataka?
Naiiba ka at maaring hindi lahat ay nasa 'yo
Pero sinisiguro ko na sa 'yo lang ang pusong ito
Paulit-ulit nila kong tinatanong
'Siya ba talaga? Totohanan na ba?'
At sa mga hindi ko pagsagot
Marami silang paghihinala at panghuhusga
Pero baliwala lamang sa 'kin ang mga 'yun
'Pagkat sa akin ay ikaw lang ang mahalaga
Noon, takot ako
Takot ako sa maraming bagay
Sa mga inakala kong limitasyon ng aking buhay
Pero nang ika'y nakilala
nawala ang aking pangamba
Bagkus, napalitan ng ligaya
Saksi ang Diyos sa marami kong pagsubok
Saksi siya sa marami kong pinagdaanan
Pero marunong siyang magbigay ng palantandaan
Na malapit ako sa dapat kong paroonan
Pinasamahan niya ko ng isang anghel
Isang anghel na hahawak sa aking mga kamay
At mananatili panghabangbuhay
Kaya't salamat sa lahat
Hindi na kailangang isa-isahin pa

Tutal nag-iisa ka lang sa buhay ko
Sana pangmatagalan na ang ligaya nating ito
At sagutin mo na ko ng matamis mong oo

 

 MAINE'S POEM FOR ALDEN
Sino ka nga ba?
At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?
Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?
Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili
Madalas nga ay hindi ako mapakali
Sa daming bumabagabag sa aking isip
May mga oras na sumasakit ang aking dibdib
Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat
Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat
Kaya dapat daw akong maging maingat
Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang nararapat
Inaamin kong ako'y takot na mahulog sa isang tulad mo
Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko
Pero ano nga bang magagawa ko?
Tila ang loob ko'y unti-unti ng nahuhulog sayo
Tinatanong ko ang aking sarili, kung ikaw ba'y aking gusto
Ngunit ang isip ko'y nagsimulang magtalo
Maaaring hindi ang bulong ng isipan ko, pero nararamdaman ko ang sigaw ng puso ko ay oo
May mga oras na isip ko'y gulong-gulo, sapagkat di ko na malaman kung alin ba ang totoo
Hindi ko kailanman plinano na magkagusto sayo
Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko
Alam mo ba na mahirap kang basahin
Kaya tila bang kay hirap mong mahalin
Sa takot na hindi mo ako kayang saluhin, ayos lang basta kailanman ay wag mo kong lolokohin
Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso mo
At magbabakasakali kung pangalan ko ba ang sinisigaw nito
Nais kong malaman ang tunay kong halaga sayo, pero ako'y natatakot na malaman ang totoo


Tila sa puso ko'y ikaw lang ang tanging makikita, dapat na bang aminin aking sinta
Tama bang sabihin sa iyo? Tamang panahon nalang ang hinihintay ng puso ko
 


** For the incurable romantic in all of us. 

No comments:

Post a Comment