Wednesday, June 10, 2009

Pangarap Ko (My Dream)


Noon pa man, pag sinabing America -- si Liberty na kaagad ang nasa isip ko. Pangarap ko noon na pag narating ko ang America ay pupuntahan ko ang pamosong statue na ito. Simbolo ng kalayaan at pagkaibigan ng dalawang bansa.

Sa dalawang beses kung bisita sa New York ay hindi ko pa rin natupad ang pangarap na ito. Nung una naming punta ay katatapos lang ng 9/11 at mahigpit ang security at pinagbawal ang pag bisita sa Liberty Island. Sa ikalawang beses ay nagkaroon ng conflict sa mga schedule.

Puedeng sabihin na nakita ko na ang Statue of Liberty, ngunit hindi ko pa talaga naapakan ang mismong Liberty Island. Ang mga litratong ito ay kuha ko lamang habang sakay sa ferry boat na umiikot sa isla.

Ah, si Miss Liberty - pangarap kong parang lay lapit ngunit malayo din.

Litratong Pinoy Theme: Pangarap Ko

Bisitahin ang iba pang lahok dito.

10 comments:

  1. Nice shots of the statue of liberty, sana makarating din ako sa amerika, happy LP!!

    ReplyDelete
  2. ha ha ha,pareho tayo, pangarap ko rin makita si Lady Liberty, sa anim na taon akong tumira sa US, hindi ko man lang nakita ito, hopefully in the near future. :)
    LP:Pangarap

    ReplyDelete
  3. Ka-LP, kapag nakarating ka na sa lugar ni Liberty, padalhan mo ako ng post card with dedication, hehe.

    Sana matupad lahat ng mithiin natin.

    ReplyDelete
  4. I got on the boat for the view of Miss Liberty... hehehe sana i could climb up the statue..hehehe pwede pa yan?

    Eto ang Pangarap Ko

    ReplyDelete
  5. Di bale, mukhang lumalapit na matupad ang pangarap mo kasi may mga larawan ka na :)

    ReplyDelete
  6. Matutupad din yang pangarap mo. Nandiyan ka na eh.

    Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

    ReplyDelete
  7. Nice! Ako naman dream kong makapunta sa Paris, France!

    ReplyDelete
  8. Pareho tayong Statue of Liberty! Pero ako, ilang beses ko na narating ang mismong island niya. Marami kasi kaming pinapasyal na bisita dyan.

    Pero hindi ko pa naaakyat ang tuktok niya, kelangan mo pa kasi magpa-reserve online in advance, at may specific oras ka dapat na dumating doon para makaakyat.

    ReplyDelete
  9. may naalala akong sinabi ni Woody Allen about Miss Liberty.:D

    ReplyDelete
  10. sana makarating din ako sa US or sa canada. Nawa'y matupad mo ang pangarap mo.

    ReplyDelete